ang tinig ng gabi
nananatiling tahimik
at ito’y lalong lumalim
nang ika’y biglang humikbi
antok at luha
ang pumapagod sa mata
balak mo ba tumahan
sa pagsapit ng umaga
ilabas mo ang lahat
damdamin ay ilahad
ang sarili’y imulat
sa mga alaalang makalat
ituon ang mundo
sa kanyang puwesto
doon tumungo
upang sabihin ang totoo
pilit isipin
ang bawat lihim
subukang piliin
mga salitang sasabihin
ulan ay bubuhos
boses ay mapapaos
puso ay malulubos
ito ay makakaraos